
Mga Uri ng Campsite (Types d’emplacement de camping)
Cette page est aussi disponible en français
Paghahanda sa Inyong Camping Trip
Transcription
Paghahanda sa Inyong Camping Trip
Hello! Magandang araw po! Sa pamamagitan ng maikling video na ito, sana'y matulungan kayo sa paghahanda ng isang camping trip, paanong mag-book ng camp site, at kung anu-ano ang mga dapat asahan pagdating sa isang national park.
Ang Parks Canada website ay pwedeng pagkunan ng maraming impormasyon tungkol sa mga national park.
Bisitahin ang website na www.parkscanada.ca upang malaman ang mga lugar na maaaring pag-kampingan at para sa iba pang mga kaukulang impormasyon.
Maaring ninyong tukuyin o malaman ang pangalan ng national park na gusto ninyong puntahan. Mayroon ding impormasyon na patungkol sa camping na may mga video na pwedeng kayong mapanood upang kayo ay matulungan sa inyong paghahanda, katulad ng mga listahan ng mahahalangang bagay na maaaring dalhin, mga pagkaing madaling lutuin, at iba pang mga praktikal na impormasyon tungkol sa camping.
Tumawag lamang sa toll-free na numerong 1-888-773-8888 para sa karagdagang impormasyon.
Ang opisyal ng Parks Canada ay malugod na sasagutin ang inyong mga katanungan.
Para sa higit pang mga impormasyon tungkol sa mga national park, tingnan ang aming mga Visitor Guide
na nasa Parks Canada website o tumawag sa toll-free na telepono.
Pumunta sa Campground Reservation Service sa reservation.pc.gc.ca para ma-book ang inyong camping schedule.
Pagkatapos mag-book, kayo ay makakatanggap kumpirmasyon sa inyong email.
Maaaring rin kayong mag-book sa telepono. Tumawag lamang sa 1-877-RESERVE upang kayo ay aming matulungan.
Maaari ring kayong magrenta ng yurt, tipi, cabin at cottage tent sa ilang national park.
Banggitin lamang kung nais ninyong magrenta para sa masaya at kakaibang pang pamamaraan ng camping.
Dalhin ang mga mahahalagang bagay at kagamitang para sa inyong biyahe at huwag kalimutan ang inyong health insurance card at ang booking confirmation sa inyong camp site.
Ipa-alam rin ninyo sa mga kamag-anak o kaibigan ang inyong plano sa pagbiyahe at pag-camping Pagdating sa national park, dumaan muna at sumangguni sa information center.
Dito ninyo makukuha ang Visitor Guide ng park. At dito rin kayo magbabayad ng inyong entrance fee.
Pagkatapos ay pwede na kayong tumungo sa inyong campsite. Ipakita ang inyong reservation sa campground attendant.
Irerehistro kayo at bibigyan ng mapang nagpapakita kung saan ang inyong campsite.
Sa tulong ng mapa, tumungo sa inyong camp site.
Hanapin ang pinakamalalapit na banyo at pati ang pinakamalapit na mapagkukunan ng tubig sa labas.
Magandang pagkakataon ito na makadalaw sa Visitor Center.
Ipapaalam ng staff doon kung ano ang mga aktibidad na maaaring ninyong salihan.
May mga interesanteng eksibisyon din sa karamihan ng visitor center na makakatulong sa inyong alamin ang mga maaaring gawin at makita sa parke.
Kapag oras na ng pag-uwi, tiyaking dala ang lahat ng inyong mga kagamitan at mga personal na ari-arian.
Iwanang malinis ang camp site. Itapon ang basura at mga nare-recycle na bagay sa wastong tapunan.
Kung may anumang katanungan bago pa magbiyahe, tumawag lamang sa toll-free na telepono.
At kung may katanungan habang nasa park, magtanong sa sinuman sa aming magigiliw na staff.
Ang camping ay isang masayang paraan upang makadalaw at maranasan ang kagandahan ng ating mga national park. Sana'y subukan ninyo!
Happy camping po!
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkamping, bisitahin ang "Learn to Camp" sa website ng Parks Canada.
www.parkscanada.gc.ca
o tumawag sa 1-888-773-8888
© Her Majesty the Queen in Right of Canada, na kinakatawan ng Parks Canada, 2012.
Ang front country campgrounds ng Parks Canada ay kumpleto sa kagamitan para maging komportable hangga't maaari ang inyong camping. Pinahihintulutan nila ang pagdala ng inyong sasakyan mismo sa inyong campsite. Kadalasang mas maraming tao ang ganitong mga campground kaysa iba dahil nag-aalok ang mga ito ng pinakahigit na mga pasilidad at serbisyo, kabilang ang mga paliguan, palikuran, sinehan, palaruan, meryendahan, programang nagbibigay kahulugan (interpretive programming), mga golf course at marami pang iba. Dalawa sa aming mga campgrounds ay may mga palanguyan pa nga!
- Mga Sineserbisyuhang Campsite Ang mga sineserbisyuhang campsite ay nag-aalok ng iba't ibang kumbinasyon ng mga koneksyon sa kuryente, alkantarilya at mga pangkabit sa tubig para sa mga sasakyang panlibang (mga RV), mga trailer, tent trailer, atbp. Ang mga kumbinasyon ng ganitong mga serbisyo ay nakukuha sa ibat-ibang presyo. Kadalasan, ang campsite na nag-aalok ng mas maraming serbisyo ay nagpapataw nang mas mataas bawa't gabi kumpara sa campsite na mas kaunti ang serbisyo. Dahil madalas na ginagamit ang mga campsite na ito ng mga RV, maaaring hindi maiinam na lugar para sa mga tent ang mga ito. Magsiyasat sa parke bago magpareserba kung nagbabalak kayong magtayo ng tent.
- Mga Hindi Sineserbisyuhang Campsites Ang mga hindi sineserbisyuhang campsite ay mainam para sa tent camping dahil marami sa mga ito ang nag-aalok ng mga tentpads at malalapit na mga pasilidad, gaya ng mga palikuran, paliguan at naiinom na tubig. Karaniwang bukas ang mga ito sa mga RV at mga tent trailer na hindi nangangailangan ng mga koneksyon sa kadahilanang ang mga campsite na "hindi sineserbisyuhan" ay hindi nag-aalok ng koneksyon sa kuryente, alkantarilya at koneksyon sa tubig direkta sa kinalalagyan.
- Mga Pull-Through na Campsite Ang mga pull-through na campsite na kilala rin bilang mga drive-through na mga campsite, ay idinisenyo para sa mga bisitang may hinihilang mas malalaking trailer o mga RV. May pasukan at labasan ang mga ito na nagpapahintulot ng pagtawid sa lugar sa halip na umikot pabalik upang lumabas.
- Mga Walk-in na Campsite Ang mga walk-in na mga campsite ay mararating sa pamamagitan ng paglalakad at hindi maaaring dalhin ang inyong sasakyan nang direkta sa lugar. Karaniwang may malapit na paradahan kung saan maaari kayong maglabas ng mga gamit at iwanan ang inyong sasakyan sa kahabaan ng inyong pananatili. Ang mga lugar na ito ay bahagyang simple na may mas kaunting pasilidad.
- Mga Pang-grupong Campsite Idinisenyo ang mga pang-grupong campsite upang mapagkasya ang malalaking pangkat at karaniwang nakareserba para sa mga organisadong grupo na sama-samang nagbibisita sa parke. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga pang-grupong campground, mangyaring makipag-ugnayan nang direkta sa parke.
Pagka-camping sa Kaparangan (Backcountry Camping) Isinasagawa ang backcountry camping sa kaparangan malayo sa mga pasilidad at serbsiyo. Kadalasan, kakailanganing maglakad nang malayo, mag-ski, magsuot ng sapatos para sa i-snow (snowshoes), sumakay sa canoe o kayak upang marating ang backcountry o mga primitibong lugar. Karaniwang napakakaunti ng pasilidad sa mga lugar na ito, nguni't madalas na mas maunti ang mga tao rito at talagang naipadadarama sa inyo na inyong natakasan ang lahat.
- Date de modification :